China Philippine Photography Exchange Exhibition, ginaganap sa Xiamen

0

Itinatanghal ngayon ang halos 100 litrato ng 11 potograpo mula sa Tsina at Pilipinas sa Minnan Ancient Town, Xiamen ng Lalawigang Fujian ng Tsina, bilang bahagi ng China Philippine Photography Exchange Exhibition.

Group photo ng seremonya ng pagbubukas ng China Philippine Photography Exchange Exhibition.

Dumalo sa ribbon cutting ceremony si Consul General Julius Caesar A. Flores ng Pilipinas sa Xiamen.

Layon ng eksibisyon na binuksan Mayo 18 at tatagal hanggang Mayo 30 na ibayo pang palaganapin ang kultura ng Maritime Silk Road, pasulungin ang pagpapaisa ng kultura ng Tsina at Pilipinas, palalimin ang pagkakaunawaan ng mga mamamayang Tsino’t Pilipino sa kaugalian ng isa’t isa, at idispley ang ganda ng Fujian sa bagong panahon at bagong anggulo, sa pamamagitan ng lente ng mga potograpong Tsino’t Pilipino.

Ginaganapan ng eksibisyon.

Mga panauhing bumibisita sa eksibisyon.

Ang mga potograpong Pilipino ay binubuo nina Bong Antivola, Emerson Gatpo, Kervin Perez, Dan Osillos, at Lister Maraon.

Sina Emerson Gatpo (kaliwa), Kervin Perez (gitna) at Bong Antivola (kanan).

Apisyunado sa pagkuha ng larawan si Bong Antivolo. Ang karamihan ng kanyang itinatanghal na litrate sa kasalukuyang eksibisyon ay pinaghalong mga litrato mula sa Pilipinas at Tsina.

Si Bong Antivola, at ang kanyang mga itinatanghal na litrato.

“For me, this symbolizes the brotherhood and camaraderie between our nations,” sabi niya. Gusto rin niyang ipakita ang kanyang pamanang lahi, dahil Tsino at Pilipino ang kanyang lolo at lola. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng kanyang likhang-pansining, tutulayan ang kultura ng Tsina at Pilipinas.

Mga itinatanghal na litrato ni Bong Antivola.

Ang tema ng mga itinatanghal na litrato ni Tu Zhengpeng, isang Tsinong freelance photographer, ay “temperatura ng lunsod.” Lipos ng paglingap sa sangkatauhan ang kanyang mga larawan, at nagpapakita ang mga ito ng mga sandali sa pamumuhay ng magkakaibang tao sa kalunsuran.

Mga itinatanghal na litrato ni Tu Zhengpeng, Tsinong Freelance Photographer.

Sinabi niyang may pagkakaiba ang ideya at pagkaunawa ng mga potograpong Tsino’t Pilipino sa potograpiya. Sa pamamagitan ng kasalukuyang eksibisyon, hindi lamang lalakas ang pagpapalitan sa isa’t isa, kundi makakatulong din sa pagpapasulong ng di-pampamahalaang pagpapalitang kultural ng dalawang bansa.

Mga itinatanghal na litrato ni Tu Zhengpeng, Tsinong Freelance Photographer.

Ulat: Vera
Pulido: Mac
Web Editor: Vera
Photo credits: Bong Antivola / Tu Zhengpeng / Shen Zhenghui / Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Xiamen

Source: http://mobile.filipino.china.com/670/20180523/1293956_2.html

Share.

Leave A Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.