Ano ang mga sanhi ng wrinkles at alamin ang ilang home remedies ukol dito

0

Ang wrinkles ay bunga umano ng pagkawala ng tinatawag na collagen sa balat kaya nagkakaroon ng mga kulubot sa mukha at iba pang bahagi ng katawan. Sinabing natural na nangyayari ito lalo na kapag nagkaka-edad na. Pero may paraan daw upang maiwasan ito sa ginawang pagtalakay sa programang “Pinoy MD.”

Maliban sa pagkakaroon ng edad at madalas na stressed, nagiging sanhi raw daw ng wrinkles ang paninigarilyo, ayon sa dermatologist na si Dra. Jean Marquez.

Maliban sa healthy living, ilan sa mga paraan kung paano malulunasan ang wrinkles ay sa pamamagitan ng botox injection para maibalik ang nawalang collagen sa balat.

Makikita umano ang resulta nito sa loob lang ng tatlo hanggang limang araw.
Hindi nga lang permanente ang epekto nito dahil babalik din ang wrinkles pagkaraan ng apat na buwan.

Para naman sa mga nagtitipid, may ilang home remedies para mapahupa ang unti-unti paglabas ng wrinkles.

Pagpapahid ng binating itlog: Ang itlog ay may B vitamins at vitamin E na nakatutulong para ma-rejuvenate ang balat.

Pagpapahid ng hiniwang lemon: May acidic properties ito na nakatutulong para mag-lighten ang wrinkles.
Pagpapahid ng olive oil: Gamitin ang olive oil bago matulog dahil mayaman ito sa polyphenols, isang uri ng anti-oxidant na nakatutulong kontra free radicals, na nakasisira sa balat.

Sunblock: Isa ring sanhi ng wrinkles ang over exposure sa matinding sikat ng araw, kaya ugaliing magpapahid ng sunblock kapag lalabas ng bahay.

Kung hindi magiging “hiyang” sa mga nabanggit na home remedies, makabubuting itigil ang paggamit nito at kumonsulta sa eksperto.

SOURCE: GMA

Share.

Leave A Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.