Spark Florin at ang Spark Project

0

Nakabase sa Ganzhou ng lalawigang Jiangxi si Spark Florin. Isa siyang singer at kung susumahin 13 taon na siyang nagtatrabaho sa Tsina. Bagamat apat na oras ang kanyang byahe sa bullet train patungong Xiamen, di niya alintana ang pagod maging ang gastos dahil isang makabuluhang proyekto naman ang pakay niya. Sa Xiamen kanyang nirerekord ang mga awitin para sa Spark Project kasama ang mga Filipino volunteer musicians at singers.

Ang Spark Project ay isang inisyatibo na layunin ay mapakagbigay ng inspirasyon sa mga tao sa pamamagitan ng mga kantang may positibo at nagbibigay-siglang mensahe.

Sa pamamagitan ng Spark Project, hangad ng kompositor na mabuhayan ng kalooban ang mga tao at panaigin ang kabutihan laban sa laganap na kasamaan sa buong mundo.

Ang awiting “Pagpalain Mo Ang Aming Bayan” ay kinanta ng mga PInoy volunteer musicians at singers sa Xiamen na nakikiisa sa adhikain ni Spark Florin. Ani Florin ito ay isang prayer-in-a-song na akma sa panahon ng eleksyon. Ang kanta ay isang panalangin lalo pa’t kaliwa’t kanan ang pamumulitika at paninira ng mga kandidato sa Pilipinas.

Paliwanag ni Florin maraming paraan para maipakita ang pagkamakabayan. Aniya hindi lamang sa pamamagitan ng pag-aalay ng buhay para sa bayan, kundi isang paraan din ang pagbibigay ng oras at panahon para idulog ang Pilipinas sa pamamagitan ng taimtim na panalangin.

Alamin ang mas maraming detalye hinggil sa Spark Project pakinggan ang buong panayam kay Spark Florin sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Siguruhing gumagana ang mga plug-in ng browser para mapakinggan ang interview at mapanood ang music video ng “Pagpalain Mo Ang Aming Bayan.”

Share.

Leave A Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.